Friday, February 15, 2013

ABRA

This is him, Raymond Mikael Camino Abracosa; I define him as not so gwapo, pero malakas yung dating, not a good singer, but definitely an awesome rapper.

It all started by watching Fliptop at Youtube.

2010, nagstart ako manood ng Fliptop, cause of my Tito, he's the one who introduced Fliptop sa bahay. "Uy! panoorin nyo yung Fliptop Battles sa Youtube, nakakatawa" he said. My brother (that time 12 years old pa lang), really curious, pinuntahan agad yung Youtube and he searched for Fliptop agad. At first, I am really against that battle cause of their foul words., I don't know, pero nung napanood ko si Sir LOONIE, na amazed ako, sabi ko "Saan nang gagaling yung mga words nya???", at di ko rin mapigilan yung pag tawa sa t'wing nagbibitaw sya ng mga banat nya.

And, after a while, I found myself getting addicted watching Fliptop Battles, as in kahit paulit ulit... pinapanood ko.

Sobrang sumikat yung mga lines ni LOONIE sa Barangay namin, bawat makikita kong naglalarong bata, naging laro na nila ang pagbabattle, pero after ilang months... nawala rin sila., tumahimik ulit.. ako naman naging busy lang sa school kaya nawala na rin sa isip ko yung kaadikan ko sa Fliptop.


And after 2 years, for some reason, naisipan ulit ni third(Brother ko) na manood ng Fliptop.
Hanggang sa napanood namin yung Dos por Dos Battle. "Ang galing meron na silang kakampi" sabi nya. "Si ABRA ka partner ni LOONIE"- sabi pa nya.. una naming napanood yung sa Bataan, Loonie/Abra vs. TipsyD/Thirdy (pinanood namin kasi kapangalan nya yung isa).at.... doon na nga nagsimula ang lahat...na adik na naman ako sa mga Rap Battles. I don't know why, pero na aamaze ako sa kanila on how they deliver their lines, may dating. At dun ko na nga rin napansin si ABRA.


OO si ABRA nga, nung nakita ko sya.. sabi ko.."Hala! bakit ngayon lang kita napansin? anjan ka pala", sinimulan kong magresearch tungkol sa kanya, sinimulan ko sa Youtube, lahat ng battles nya, tapos sa FACEBOOK. naglike ng mga FanPage nya, at dun na rin ako nagsimulang...mabaliw sa kanya (LOL).

Lagi na kong nag oonline sa FB para magcheck sa Page nya, as in, kulang na lang hanapin ko yung CP number nya.


At nung nilabas nya 'tong Music Video ng song nya na GAYUMA, parang nagayuma na rin ako...

Kasabay ng pagdami ng views ng video nya, ang pagdami rin ng pag hanga ko sa kanya.


Naghanap ako ng mga pictures nya , sa tumblr, sa kung san san. I even created a Twitter account para mafollow ko sya. Kung ano anong group na rin sinalihan just to keep myself updated.


Hanggang sa, makilala ko ang TEAM ABRA.,
OO Team Abra, super saya ko nung naging member ako dito., as in I felt na, hindi pala ko nagiisa sa kaadikan at kabaliwan kay ABRA, marami pala kaming napapasaya nya.

Dahil sa paghanga ko kay ABRA, natuto akong makipagkaibigan sa iba, natuto akong magshare ng feelings and emotions na ever since hindi ko ginawa, ngayon lang, and  I realized na masaya pala sa pakiramdam.

Marami akong Gigs nya na napalampas,
Una na jan yung Birthday Concert nya sa Eastwood.
Wala kasi kong kasama, nung araw na yon,,, sobrang lungkot ko., lalo na nung nagsiupload na sila ng mga pictures. ;(

Pero, lumakas yung loob ko nung nakilala ko na nga ang TEAM ABRA, and because of that, nakaattend ako sa gig nya sa MOA (TM ASTIG PANALO FEST), first time kong ginawa yun sa buong buhay ko...
yung sumama at makipagbonding sa mga taong never ko pang nakita in persons, sa text and chats lang. Grabe, ginawa ko yung para lang makita sya. Pero hindi ko naman pinagsisisihan yun, dahil solidong saya yung naramdaman ko, hindi lang dahil nakita ko si ABRA in person (kahit malayo), pero dahil na rin, nakakilala ako ng mga bagong kaibigan as in sobrang saya.

ABRA, I am sure you don't know me,
but I just want to thank you for being the reason of my happiness.
I hope I don't sound like a Stalker(:)), this is just how I feel.

Thank you for giving me new friends.
Thank you for being my inspiration.
Even though you don't know it :)
Keep it up!!!!

I want to be present on your every GIGS.
I want to have may pictures with you.
I want to know you more.

Sana, kung paanong humbleness ang pinakita mo nung nagsisimula ka palang, ganun pa rin sana kahit ngayon na sikat na sikat kana. :)

Di ko alam paano tatapusin 'tong Blog, hindi ko rin kasi alam kung gusto ko bang tapusin yung pagsshare ko ng happiness ko dahil sayo eh... :)



No comments:

Post a Comment